Friday, December 28, 2007

DFA ala-Divisoria

We went to the Department of Foreign Affairs (Philippines) yesterday morning (December 27, 2007) to have our passposrts renewed. We've heard raves about the faster cues in that very important department of the Philippine government (given the millions of OFWs leaving the country each year).

What greeted us was a sea of people similar to a what Divisoria looks like during the Christmas season. Whoa! Why was I not surprised? The swarms of people were actually on cue! The lines snaked through the whole street that was located at the back of the DFA building along Roxas Boulevard in Pasay City. The parking on the side street was difficult but at least there was a parking space. That's being positive.

People brought their kids along. These made things worse. Though they said there were separate lines for children and senior citizens inside the building, that didn't matter at this point. All one silly guy had to do was to shout "Sunog!" or Bomba!" and that would result in a terrible stampede maybe close to the ULTRA incident of Wowawee.
I brought my wife and two of my three kids just in case things were really smoother contrary to my suspicions. Well, after wading through the sea of humanity in a 5-minute walk to the end of the line and after 10 minutes trying to stay on line, we decided to call our travel agent and pay twice the price for an appointment to be set by our agent. We had to wait for an appointment but I guess the point of it all was to make sure I didn't put my family in danger.

I wish the good DFA Secretary, Alberto Romulo, would take time to stroll the backstreet of his office and see what the picture I included here really looks like. The picture was taken from the starting point of the line.

Let's give our people the respect and proper service that they deserve. Most of those who were there were either current OFWs or those to-be. Their contribution to the Philippine economy is tremendous and heroic.

As for me, I'll wait for my appointment. Even if that means PhP 1,800 out of my pocket, I'd rather pay up than take the risk.

Let's do a better job guys.

Thursday, December 27, 2007

Heto na’t malamig na ang simoy na hangin sa gabi hanggang sa madaling araw. Ang tunog na Top 40 sa mga mall ay napalitan na ng mga Christmas Carols. Puro “Sale” na ang nakikitang karatula sa mga tindahan dito. Ang mga tindero’t tindera ay hanggang tenga na ang mga ngiti, inaantay ang iyong pagbuhos ng inipong salapi. Kumukutikutitap na din ang mga parol sa mga bahay at lansangan. Narito na nga ang Paskong Pinoy.

Buhos na din ang trapik sa buong kamaynilaan. Lalu na yung malapit sa mga paliparan dahil sa pag-uwi ng mga kamag-anak na nasa abroad. Ang mga palitan ng dolyar sa mga mall at Ermita ay mahaba na din ang pila. Di man naka-uwi ang iba, pera na lang ipinadala. Dagsa na din ang mga mamimili’t mandurukot sa Baclaran at 168 sa Divisoria.

Sa tulad kong kayod marino sa pagtatrabaho ng isang buong taon, ang inaasam na 13th month ay ubos na. Naikasa ko na rin ang mga perang nakuha sa mga raket. Kaya hayun, yung suweldo na pang-Disyembre ang ibabakas sa panggastos sa Pasko.

Ang sabi nga ng mga tusong negosyante, tuwing piyesta at Pasko nga lang gumastos ng todo ang Pinoy. Kahit pa katayin na ang kaisa-isang baboy sa bakuran at limasin ang ipon sa tukador at banko, makapag-handa lang sa okasyong ito. Tama nga!

Bakit nga hindi? Minsan lang sa buong taon ang tumodo sa gastos para lang maranasan ang lubos na kasiyahan sa pagbibigay kesa ipagdamot ang kita. One day millionaires daw tayong mga Pinoy. Siguro nga. Hindi kasi tayo likas na madamot. Masayahin at matulungin dala ng pagiging maka-Diyos at maka-pamilya.

Sabi nga ng asawa ko, over-quota na daw kami sa budget sa Pasko. Madaming regalo ang naipamigay at maraming beses na ding nagbalik-balik sa mall at grocery para sa iba’t-ibang handaan. Bukod pa yun sa Noche Buena ha!

O sige, baka makalimot tayo sa tunay na diwa ng Pasko. Ito ang pagsilang ng Panginoong Hesus na nagbigay ng bagong buhay sa atin. Ito ay ating ipinagdidiwang sa kapaskuhan. Ang bagong buhay na ito ay ating ipinadadama sa lahat ng ating mahal sa buhay. Maging kapamilya, kapuso, kabayan, kabagang, kakosa o ka-anu-ano pa natin sila.

Sa bispiras ng Pasko, kabi-kabila na ang mga concert ng mga kabitbahay ko! Kanya-kanya na ang mga hari at reyna ng videoke. Bumabaha na din ang San Mig Light at Pale Pilsen at Duty Free na alak.

Sa di kalayuan, naririnig ang pagtawag ng simbahan para sa misa. Naglalakad na ang mga taong naka-pustura. Karamihan ay kulay pula at berde ang mga suot na damit. Dagsa na rin ang mga nagtitinda ng tradisyunal na puto bumbong at bibingka na lumaki ang kita mula ng magsimula ang simbang gabi. Salamat naman.

Pagtungtong ng alas dose, sabay-sabay na ang pamilya sa Noche Buena. Lahat ng klaseng pagkaing naka-ugalian na ang nakahanda. Ang importante’y magkakasama-sama. Kuwentuhan, kantahan, at walang humpay na kasiyahan. Hanggang kinabukasan yan. Lahat ng reunion pinipuntahan huwag lang magkatampuhan. Ang mga namamaskong kabataan, pinagbibigyan. Parang trick or treat sa Amerika. Iyan ang Paskong Pinoy. Minsan lang maging magarbo. Todo ang gastos, todo rin naman ang saya.

Lord, salamat po at ako’y isinilang Niyong Pinoy.