Friday, September 12, 2008
by Father James Reuter, S.J.
By her own admission, GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) rightfully assessed that over the last decades; our republic has become one of the weakest, steadily left behind by its more progressive neighbors. Forty years ago, we were only second to Japan in economic stature, and way ahead of Singapore, Hong Kong, Malaysia, and Thailand.
Today, at our present growth rate, it will take us 30 years to get to where Thailand is.
1. A population of 160 Million;
2. Of those, 70 to 90 million (equivalent to our current population) will live below the poverty line;
3. Our national debt is estimated to be at US$200B (compared to US$28B when Marcos fled, and US$53B today);
4. We will be competing, not against Thailand or even Vietnam, but against Bangladesh;
5. We will be the most corrupt nation in Asia , if not in the world (we're already ranked 11th most corrupt nation by Transparency International).
The signs are clear: Our nation is headed towards an irreversible path of economic decline and moral decadence. It is not for lack of effort.
We've seen many men and women of integrity in and out of government, NGOs, church groups & people's organization devote themselves to the task of nation-building, often times against insurmountable odds.
But not even two people's revolutions, bloodless as they may be, have made a dent in reversing this trend. At best, we have moved one step forward, but three steps backward.
We need a force far greater than our collective efforts, as a people, can ever hope to muster. It is time to move the battle to the spiritual realm. It's time to claim GOD's promise of healing of the land for His people. It's time to gather GOD's people on its knees to pray for the economic recovery and moral reformation of our nation.
Is prayer really the answer? Before you dismiss this as just another rambling of a religious fanatic, I'd like you to consider some lessons we can glean from history. England 's ascendancy to world power was preceded by the Reformation, a spiritual revival fueled by intense prayers.
The early American settlers built the foundation that would make it the most powerful nation today - a strong faith in GOD and a disciplined prayer life. Throughout its history, and especially at its major turning points, waves of revival and prayer movement swept across the land.
In recent times, we see Korea as a nation experiencing revival and in the process producing the largest Christian church in the world today, led by Rev. Paul Yongi Cho. No wonder it has emerged as a strong nation when other economies around it are faltering.
Even from a purely secular viewpoint, it makes a lot of sense. For here there is genuine humbling & seeking of GOD through prayer, moral reformation necessarily follows. And this, in turn, will lead to general prosperity.
YES, we believe prayer can make a difference. It's our only hope. Today, we launch this email brigade, to inform Filipinos from all over the world to pray, as a people, for the economic recovery and moral reformation of our nation. We do not ask for much. We only ask for five minutes of your time in a day, to forward this email to your close friends and relatives.
This is the kind of unity which can make a big difference. Of course, if you feel strongly, as I do, about the power of prayer, you can be more involved by starting your own prayer group or prayer center.
We have tried people power twice; in both cases, it fell short. Maybe it's time to try prayer power. GOD never fails. Is there hope? YES! We can rely on God's promise, but we have to do our part. If we humble ourselves and pray as a people, GOD will heal our and. By GOD's grace, we may yet see a better future for our children.
“If My people, who are called by My name, will humble themselves and pray, and seek My face, and turn from their wicked ways, then will I hear from Heaven, and will forgive their sins, and will heal their land.”(2 Chronicles 7: 14).
If you care for your children and grandchildren, PLEASE pass this on...
Wednesday, September 10, 2008
Lk. 5: 1-11 "Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao."
Ano ang iyong reaksiyon kung si Hesus mismo ang magpapagawa sa iyo ng isang gawain? Hindi ba’t kaagad kang kikilos ng walang atubili?
Ito marahil ang naranasan ni Simon Pedro at ng kanyang mga kasama nang sila’y nangingisda buong gabi at walang mahuli sa Lawa ng Genesaret. Nagmamasid noon si Hesus sa kanilang ginagawa nang lumapit Siya sakay ng isang bangka at sabihing “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Para ko na ring narinig sina Simon Pedro na nagbubulungan ng “Eh ano naman kaya ang alam ni Hesus sa pangingisda kung Siya’y isang karpintero?” Ngunit sa pagkakataong ito sinunod nila si Hesus. At hindi naman sila binigo Nito nang halos masira ang lambat nila sa dami ng isda na kanilang nahuli.
Iyan ang malaking pagkakaiba kung si Hesus mismo ang nag-utos, Sunod agad tayo ng walang dalawang isip.
Sa ating buhay, lalo na sa pagsisilbi sa Diyos, importanteng kumonsulta muna sa Kanya bago gumawa ng mga bagay-bagay. Alam naman nating perpekto ang mga plano ng Diyos. Lahat ng Kanyang pangako, tinutupad Niya.
Kaya naman sa mga pagkakataong tayo’y nanghihina sa serbisyo sa Panginoon, dapat tandaan ang Kanyang mga salita, aral, utos at pangako. Hindi dapat matakot lalo na sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Kung tayo’y nalilito at nangingimi sa ating pagsunod, tandaan lamang ang sinabi Niyang huwag matakot. Mas malaki ang Diyos kesa sa ating mga pagsubok. Siya ang kapitan ng ating buhay. Bakit tayo matatakot?
Kung masasabi nating nakilala na natin ng lubos ang Diyos, at tayo’y may personal na relasyon na sa Kanya, nararapat lang na ibahagi natin ito sa iba.
Iba’t-ibang talento ang mga ibinahagi sa atin ng Panginoon. Bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang paraan kung paano maibabahagi ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa iba. Ito ang misyon natin. Hindi natin ito maikakaila.
Pagnilayan:
Anu-ano ang dahilan ng aking agam-agam o takot na maibahagi ko sa iba ang aking pananampalataya?
Dasal:
Panginoon, nawa’y mapalakas Niyo po ang aking pananampalataya nang maibahagi ko ang Inyong Mabuting Balita ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Amen.
Sunday, August 31, 2008
Mateo 10:37 – 11-1
“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang umiibig sa anak na lalaki or babae nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay magkakamit nito.”
Sa mga panahong ito, mas madaling iwasan ang komitment kesa tuparin ito. Sa lakas ng salitang ito, tila kumikitil ng laya. Sadyang taliwas ito sa buhay na makasarili at lubhang mahirap pangalagaan at gawing pang matagalan. Para kasing taliwas ito sa malayang pamumuhay at sa kasabihang “sarili kong desisyon at gawa.” Animo’y nakakasira ng pamumuhay.
Sa salita ng Diyos sa Mateo 10:34 (at sa sumusunod), mabigat ang pananaw ni Hesus ukol sa pagpapahalaga ng isang komitment. Sinasabi din dito na dahil sa pagsunod kay Kristo, makararanas ng paghihirap, sama ng loob, persekusiyon at iba pa. Sadyang hindi madali ang maging disipulo ni Hesus. Subalit nangako naman Siya nang walang hanggang buhay sa kabila ng lahat ng paghihirap na ito. Ito ang mas mahalagang pagtuunan ng pansin.
Ito ang hamon sa atin sa pagsunod kay Hesus. Maaaring di tayo lubos na maintindihan ng ating mga mahal sa buhay man o kaibigan -- tila laging may di pagkakaunawaan. Lalu na kung ang isa ay lubos ang dedikasyon sa pagsunod kay Kristo at ang iba ay hindi. Nagiging tila kaaway tuloy ang turingan ng magpapamilya. Hindi kasi lubos na maintindihan ng iba ang tunay na responsibilidad ng isang tagasunod ni Hesus. Ang nagyayari tuloy ay bumibigay na lamang ang isang disipulo at tumitigil sa kanyang gawaing ispirituwal.
Sa iba naman, mas nagiging mahalaga ang kumita ng pera na kung tutuusin nama’y biyayang kaloob ni Hesus dahil na rin sa serbisiyong ipinagkakaloob sa Kanya. Habang lumalaki ang kita, lumalaki na rin ang distansiya sa pamilya, sa mga taong sineserbisyuhan, at higit sa lahat sa Diyos. Matapos makamit ang biyayang inasam, ang komitment nila ang humihina. Mas maraming na silang dahilan.
Ang pagpasan ng Krus ni Hesus ang pinakamahalaga sa lahat. Tinuturuan Niya tayong unahin Siya kesa ibang bagay. Mabigat man dalhin ang kanyang Krus, kasama naman natin Siya sa ating paglalakbay. Iba na dapat ang ating pananaw simula nang tayo’y mag-komit sa Kanya.
Ang hamon sa atin ay ang kung paano natin ibibigay ang natitira pa nating buhay sa serbisyo sa Panginoon. Ito ang nais ng Panginoon. Nangako naman si Hesus na “sa Aking kaharian, maraming mansiyon.”
Iba na dapat ang ating pinapahalagahan. Buhay ng iba kesa sa sarili natin. Tutal, dumaraan lamang tayo sa mundong ito. Di naman natin alam kung bukas o sa makalawa’y buhay pa tayo. Sayang naman ang panahon.
Pagnilayan: Nasaan ba ang aking priyoridad mula nang ako’y mag-komit sa Diyos? Handa pa rin ba akong tanggapin ang hamon ng pagpasan ng Kanyang Krus?
Thursday, July 24, 2008
Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:) Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman.. Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa... At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng meralco.. Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday.. pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill... Generation charge Tax on Generation charge Transmission charge Tax on Transmission charge System loss Tax on System Loss Distribution, Metering and Supply charges Lifeline rate subsidies Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies Local franchise tax Universal charges I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin? Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten.. Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa maka alis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh. Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax... At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax.. At eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax... Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po) At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag bid. SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market....idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta transport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor executives.. . Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no? ?
Kabayan please dont keep this message!
Pakipasa sa iba...
Friday, December 28, 2007
Thursday, December 27, 2007
Heto na’t malamig na ang simoy na hangin sa gabi hanggang sa madaling araw. Ang tunog na Top 40 sa mga mall ay napalitan na ng mga Christmas Carols. Puro “Buhos na din ang trapik sa buong kamaynilaan. Lalu na yung malapit sa mga paliparan dahil sa pag-uwi ng mga kamag-anak na nasa abroad. Ang mga palitan ng dolyar sa mga mall at Ermita ay mahaba na din ang pila. Di man naka-uwi ang iba, pera na lang ipinadala. Dagsa na din ang mga mamimili’t mandurukot sa Baclaran at 168 sa Divisoria.
Sa tulad kong kayod marino sa pagtatrabaho ng isang buong taon, ang inaasam na 13th month ay ubos na. Naikasa ko na rin ang mga perang nakuha sa mga raket. Kaya hayun, yung suweldo na pang-Disyembre ang ibabakas sa panggastos sa Pasko.
Ang sabi nga ng mga tusong negosyante, tuwing piyesta at Pasko nga lang gumastos ng todo ang Pinoy. Kahit pa katayin na ang kaisa-isang baboy sa bakuran at limasin ang ipon sa tukador at banko, makapag-handa lang sa okasyong ito. Tama nga!
Bakit nga hindi? Minsan lang sa buong taon ang tumodo sa gastos para lang maranasan ang lubos na kasiyahan sa pagbibigay kesa ipagdamot ang kita. One day millionaires daw tayong mga Pinoy. Siguro nga. Hindi kasi tayo likas na madamot. Masayahin at matulungin dala ng pagiging maka-Diyos at maka-pamilya.
Sabi nga ng asawa ko, over-quota na daw kami sa budget sa Pasko. Madaming regalo ang naipamigay at maraming beses na ding nagbalik-balik sa mall at grocery para sa iba’t-ibang handaan. Bukod pa yun sa Noche Buena ha!
O sige, baka makalimot tayo sa tunay na diwa ng Pasko. Ito ang pagsilang ng Panginoong Hesus na nagbigay ng bagong buhay sa atin. Ito ay ating ipinagdidiwang sa kapaskuhan. Ang bagong buhay na ito ay ating ipinadadama sa lahat ng ating mahal sa buhay. Maging kapamilya, kapuso, kabayan, kabagang, kakosa o ka-anu-ano pa natin sila.
Sa bispiras ng Pasko, kabi-kabila na ang mga concert ng mga kabitbahay ko! Kanya-kanya na ang mga hari at reyna ng videoke. Bumabaha na din ang San Mig Light at Pale Pilsen at Duty Free na alak.
Sa di kalayuan, naririnig ang pagtawag ng simbahan para sa misa. Naglalakad na ang mga taong naka-pustura. Karamihan ay kulay pula at berde ang mga suot na damit. Dagsa na rin ang mga nagtitinda ng tradisyunal na puto bumbong at bibingka na lumaki ang kita mula ng magsimula ang simbang gabi. Salamat naman.
Lord, salamat po at ako’y isinilang Niyong Pinoy.
Monday, November 19, 2007
isinalin ni Homer Nievera
Si Anne Frank ay ipinanganak sa Frankfurt, Germany, sa isang pamilyang Hudyo noong ika-12 ng Hunyo taong 1929. Ang kanyang amang si Otto Frank ay isang respetadong negosyante. Si Anne at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Margot ay lumaki sa isang maganda at mapagmahal na pamilya at mataas ang pinag-aralan.
Noong 1933, inilipat ni Otto Frank ang kanyang pamilya sa Holland dahil sa kalupitan ng mga Nazi sa mga gaya nilang Hudyo. Noong 1940, sinakop ng mga Aleman ang Holland at nasadlak ang mga Hudyo sa kalupitan ng mga Nazing Aleman. Noong una, hindi naramdaman ni Anne ang mga kalupitang ito, kundi lamang sa kinailangang umalis siya sa pinapasukang mataas na paaralan para sa mga Hudyo.
Naisip ni Otto Frank na maaaring paparating na ang kinatatakutang mga pangyayari kaya’t naghanda siya ng pagtataguan ng kanyang pamilya. Naglipat siya ng mga kagamitan ng unti-unti sa halos isang taon hanggang sa makatanggap ng sulat ang kanyang panganay na anak na si Margot na pinadadala na siya sa isang kulungang kampo kung saan maaari siyang ipapatay.
Noong ika-5 ng 1942, para bagang naglaho ang pamilyang Frank. Nagtago sila ng halos dalawang taon sa tinatawag na Secret Annexe, isang gusaling imbakan ng kanilang mga negosyo. Kinailangan nilang manahimik sa umaga para hindi sila madiskubre sa pinagtataguan. Mga kaibigan ang nagdadala ng mga pangangailangan nila kahit delikado ito.
Dito sa Secret Annexe isinulat ni Anne ang karamihan sa kanyang talaarawan, isang pulang kuwaderno na pinangalangan niyang Kitty. Isa itong regalo sa kanya noong ika-12 n Hunyo 1942 para sa kanyang ika-13 na kaarawan.
Doon sa talaarawan ni Anne niya isinulat ang lahat ng kaganapan sa panahon ng kanilang pagtatago hanggang sa sila ay mahuli. Nilagyan niya ito ng mga palamuti at litrato ng kanyang pamilya. Nagsulat din siya dito ng mga maikling kuwento na ninais niyang ipalimbag sa kanilang kasambahay.
Noong Agosto 4, 1944, ang Gestapo, o Nazi Secret Police, ay nakatunton sa mga Frank sa Secret Annexe, kasama ang iba pang hudyo. Dinala sila sa kampo ng Westerbork sa Drente, Holland para parusahan. Mula doon, dinala sila sa isang kampo sa Auschwitz, Poland. Si Otto Frank lamang ang nakaligtas ng buhay. Si Edith Frank ay namatay sa Auschwitz noong Enero 1945 samantalang sina Anne at Margot ay inilipat sa kampo sa Bergen-Belsen sa Alemanya noong Oktubre 1944. Doon, sandaling nagkita at nagkasama si Anne at ang kanyang kaeskuwela na si Lies Goosens. Namatay sina Margot at Anne ng dahil sa Tipus noong Marso 1945.
Bumalik sa Otto Frank sa Amsterdam noong 1945 matapos ang digmaan. Binigay ni Miep van Santen sa kanya ang mga nasalbang kuwaderno at aklat bago sila nahuli sa Secret Annexe.
Noong nalaman pala ni Anne na maaring ipalimbag ng Dutch War Cabinet ang mga talaarawan pagkatapos ng digmaan, inayos niya at in-edit ito. Inilipat niya sa mga malilinis na papel ang laman ng kanyang talaarawan at binalak na ipalimbag ito sa titulong Het Achterhuis, o ang ibig sabihin ay “Ang Likod-Bahay” na Secret Annexe ang ibig sabihin sa Ingles.
Ipinalimbag ni Otto Frank ang talaarawan ni Anne noong 1947. Mula noon, isinalin na ito sa mahigit 50 salita. Ang Montessori School kung saan siya nag-aral ay pinangalangang Anne Frank School. Ang Secret Annexe ay nakatayo pa rin kung saan libu-libong turista ang bumibisita dito taon-taon.
